1 month.
Sa 1 month na yun madami na ang nangyari. Madami na din ang nagbago.. Marami akong iniwasan, marami akong kinalimutan at higit sa lahat marami akong tinalikuran.
Sabi nila kapag iniwan ka daw ng taong mahal mo may darating na bago sa buhay mo para ayusin ang nasira sayo.
Pero para sakin? Kasabihan lang yun. Minsan kase masyado tayong naniniwala sa mga kasabihan na pati sarili nating mga desisyon dumedepende na lang sakanila.
Nung iniwan ako ng isang taong akala ko eh kasama ko na sa lahat feeling ko naubos na lahat lahat ng nasa akin. Pero nang may dumating ulit unti unti niyang napifill yung mga nawala at naubos sa akin.
Akala ko makakabangon ulit ako, akala ko makakapagsimula ulit ako at makakaramdam ng saya.. pero akala ko lang pala yun..
“Ate! Ate! Tapos ka na ba? Kanina ka pa namin inaantay nila Mama sa baba!” Anya ng kapatid kong lalaki na si Fernan. Yup dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay.
“Tapos na, bababa na ako wait lang.” Anya ko.
Pagkababang pagkababa ko eh ayos na ayos na sila Mama at Papa pati na rin ang bunso kong kapatid na sobrang cute.
“Grabe ang ganda niyo naman Ma.”
“Syempre saan ka pa ba magmamana anak? Malamang sa Mama mo lang naman.” Anya ni papa.
“Nako naman binola niyo pa akong dalawa. Osha tara na baka malate ka pa mamaya.”
Sinabay na ako nila mama palabas ng village namin. May Swimming Party kase ang school namin at halos lahat ng 4th year eh kasama. Hindi dapat ako sasama dito kaya lang mapilit si Josh kesyo ang KJ ko daw.
Pagkarating ko sa kitaan namin, eh nandun na lahat ng bfriends ko, ako na lang ang hinihintay.
“I told you guys sasama yan!” Sabi ni josh.
“Yes sa wakas! Kumpleto na rin tayoooo!” Anya ni ghie.
“Akala ko ba di ka sasama?” Tanong naman ni mich sakin.
“Tanungin niyo dyan sa baklang palaka.”
Tawanan naman silang apat.
“Ewan ko sainyo, tara na nga.” Awat ko sa kanila.
“Gorabells na mga alipin!” Sigaw naman ni josh.
Madali lang naman kami nakarating sa resort dahil di naman na din kalayuan ‘to.
Pagkarating namin halos lahat ng kabatchmates namin nandun na. Mula sa section namin hanggang sa last section.
Apat na section lang naman ang meron samin at 30 students kada section. So bale madami din.
Buong resort pala ang nerentahan nila kaya pala buong batch ang nandito. At may kanya kanya ding cottage ha. Yaman naman ng nagpasimula ng outing na ‘to.
“Uy Ram! Ano? Sasama ka na ba samin magswimming??” Anya ni pat. Kanina pa pala nila ako kinakausap.
“Ah. Hindi mamaya na ako sige una na kayo.”
At umalis na nga sila, naiwan ako dito sa cottage namin. Wala naman kase talaga akong balak na magswimming, siguro mag iikot ikot na lang ako at magpipicture na lang sa paligid. Ang alam ko eh maraming magagandang view dito.
Sinimulan ko ng maglakad, may mga nakakasalubong ako na kakilala ko, yung iba naman nagpapapicture remembrance daw nila.
“Ram!! Uy!”
Paglingon ko sa may likod may isang group na nakapaikot.
“Ram!” Anya ni Josh.
Lumapit ako sakanila. Paglapit ko nakita ko silang tatlo na magkakatabi, umiwas agad ako ng tingin.
“Ano ginagawa niyo?” Tanong ko sakanila.
“Spin the bottle. Sali ka na teh alam ko namang di ka magsswimming eh.” Anya ulit ni Josh.
“Ah. Eh sige kayo na lang. Wala rin ako interest dyan eh.”
“Ano ba yan Ram, minsan ka lang naman namin makalaro at makasama tatanggihan mo pa kami.” Anya ng isa kong kabatch.
“Oo nga tama nga naman. Bonding na rin to oh bago tayo magkahiwa hiwalay..” anya pa ng isa.
“Oo na sige na sasali na ako.” Ayoko sana talaga kaya lang ayoko naman tanggihan yung iba tsaka ayokong masyadong magpahalata na naapektuhan sakanila.
“So ganito ang mechanics ng game, truth or dare lang naman ‘to. Kung sino matapatan ng head ng bottle siya ang pipili sa truth or dare, kung sino naman ang matapatan ng bottom ng bottle siya naman ang pwedeng magutos or magtanong depende sa pinili nung natapatan ng head ng bottle.”
Bigla akong kinabahan… Mali pala sana di na lang ako sumali dito..
Sinimulan na nila ipaikot ang bote. Sa bawat paghinto nung bote palagi ako nagdadasal na sana di matapat sakin at isa sakanila.
Pero mapagbiro nga naman talaga ang tadhana oh. Nakatapat kay Steven ang head at sakin ang bottom, so ako ang magtatanong or maguutos sakanya.
“Dare” derederetso niyang sabi.
Ahh. Di ko alam kung ano ipapagawa ko, shizz. Why o why.. Ahhhhhh! Alam ko na..
“Kanta ka.” Anya ko, sakto may gitara siyang dala.
“Ehem ehem..
Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
‘Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
Ba’t di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo”
Nagpalakpakan naman silang lahat. Ako? Tameme lang, palagi naman eh. Iisa at iisa lang naman ang impact ng pagkanta niya sakin..
Pinaikot na nila ulit ang bote.. Buti na lang sa kada ikot neto di kami natatamaan ni Aaron na halos katapat ko lang din.
Pagikot nila nang bote tumapat sakin ang head at sa isang kabatch ko naman yung bottom. Whoo. Nakahinga ng maluwag.
“Dare” anya ko.
Ayokong sabihing truth dahil alam ko naman na di nila maiiwasang magtanong about sa personal life ko.
“Ate Ram sa buong HS life natin never pa kitang nakitang kumanta. Palagi lang kita nakikitang sumasayaw, naglelead sa art club at nagbabasa ng books. Kaya ang dare ko sayo eh kantahan mo naman kami.”
Feeling ko nalaglag ang panga ko dun at feeling ko sobra rin nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko silang lahat at halos nakatingin na sila sakin. Pati sa gawi nila Aaron napatingin ako at kita ko rin ang gulat sa mata niya.
“Ah. Pwede bang ibang dare na lang?”
“Wala na eh, kakanta na yan kakanta na yan!!”
“Kanta ka na Ram sige na, minsan lang to.”
Halos lahat sila sumisigaw na.
“Sige sige fine kakanta na ako.”
Lahat sila nag whoo!
Hiniram ko kay Steven ang gitara.. Kita ko rin ang gulat niya sa mata niya, pati rin si Aaron. Di naman nila alam na marunong ako mag gitara.
“Sorry guys pagpasensyahan niyo na sana boses ko.”
Nagsimula na ako magstrum..
“Please don’t see just a girl caught up in dreams and fantasies.
Please see me reaching out for someone I can’t see.
Take my hand, let’s see where we wake up tomorrow.
Best laid plans; sometimes are just a one night stand.
I’ll be damned; Cupid’s demanding back his arrow.
So let’s get drunk on our tears.
And God, tell us the reason youth is wasted on the young.
It’s hunting season and this lamb is on the run.
We’re searching for meaning…
But are we all lost stars trying to light up the dark?”
Halos lahat sila tahimik nung natapos ko yung kanta.
“Ah? Guys? Okay lang ba kayo?” Tanong ko sakanila, kinabahan kase ako sa mga kinilos nila.
“Teh, san banda ang di magaling dun?”
“Ram.. ang galing mo kumanta!!!!!”
Naghiyawan nanaman sila.
“At dahil dyan liguan na!!!!”
Nagtayuan sila at isa isa nagsitalunan sa swimming pool.
Pati si Ecka, Steven at Aaron naki join din sakanila.
Nagulat na lang ako ng may biglang bumuhat sakin at initsya ako sa tubig.
Eto ang pinakaayaw ko kaya ayoko sumama sa mga swimming swimming.
Feeling ko sumikip ang dibdib ko, feeling ko nawawalan ako ng hangin..
“Oh my gosh!! Guys help! Si Ram!!!”
Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko..
“Bakit mo hinagis si Ram!!! May phobia siya sa tubig!!” Rinig ko na boses ni Josh.
“Sorry, sorry di ko naman alam..” anya nung kabatch ko na naghagis sakin.
“Ram?! Are you okay? Hey!”
Nung una di ko pa maaninag kung sino yung nasa harapan ko, pero ng naging malinaw na. Nakita ko ang isang Aaron na alalang alala..
“Im.. im fine. Than-..thanks.”
Tumayo ako at dumeretso agad palabas ng resort..
“Ram! Wait! Magkakasakit ka sa ginagawa mo.” Anya ni Aaron.
“Ano bang pakealam mo? Kelan ka pa nagkaroon ng pakealam? Diba nga wala na tayo!”
“Teka, pakinggan mo muna kase paliwanag ko!”
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sigaw niya. Hinarap ko siya..
“Bakit? May mababago ba kung sasabihin mo pa yang paliwanag mo?”
“Oo meron. Pero takot ka lang harapin, takot ka lang alamin ang totoo kase alam ko sa loob loob mo umaasa ka pa rin..”
Totoo nga ba? Umaasa pa nga ba ako? Kaya nga ba ako ganito?
“Wala ka na rin naman pakealam kung umaasa pa ako o hindi na. Kase ang alam ko binitawan mo na lahat nung hiningi mo sakin yang kalayaan mo.”
Nakatitig lang siya sakin habang palapit ng palapit..
“Hindi mo na ba ako kayang bigyan ng chance para magexplain? Di mo na ba ako kayang hayaan na patunayan ulit sayo na ikaw talaga?”
Di ko alam kung naiiyak na siya o hindi dahil against the light siya.
“Ram, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa atin. Hirap na hirap na ako kaya please lang pagbigyan mo na ako.”
“Kung hirap ka na tigilan mo na tong kalokohan mo..”
“Ram hin-”
Natigil ang sinasabi niya ng dumating ang isa naming kabatchmate.
“Pre. Si Ecka.. Nahimatay!”
Tumingin sakin si Aaron, tinitigan ko lang din siya..
Akala ko this time ako ang mas pipiliin niya.. pero mali pala ako..
Nakita ko siyang tumatakbo papalayo sakin..
I guess that’s the answer..
xxx
Simula kanina di parin ako bumabalik, andito lang ako sa labas ng resort nagpapahangin. Okay nang magkasakit, wala na akong pakealam..
“Penny for your thoughts?”
“Ay palaka!” Anya ko.
Akala ko kung sino si Steven lang pala.
“Grabe ka talaga gulatin. Priceless. Anyway nice voice huh at dahil dyan I’m your number 1 fan.” Sabay tawa niya.
“Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo.”
“Woah. Chill lang Miss.”
“Ano ba ginagawa mo dito?”
“Kailangan mo ng kausap eh kaya nandito ako.”
“Sinong may sabi na kailangan ko ng kausap?”
“Ako. Navivibe ko. Tama ako diba?”
Napabuntong hininga na lang ako.. Tama naman siya eh, kailangan ko nga talaga ng kausap. Ang tagal ko ring iniwasan ang mokong na ‘to.
“Ano ba problema?” Tanong niya sakin..
Tama.. pwede kong malaman sakanya ang totoo..
“Alam ko na.. alam ko na magkakaibigan pala kayong tatlo.” Sagot ko sakanya..
“Ah. Kaya pati ako iniwasan mo? Now I see.. Naguguluhan ka between Ecka and Aaron right?” Anya niya.
“Oo. Tama ka..”
“Sabi na eh, btw bago yan umupo muna tayo at suotin mo tong jacket na to para di ka magkasakit.”
At kagaya ng sinabi niya umupo kami at sinuot ko ang Jacket niya.
“Hm. San ko ba sisimulan.”
“Paano kayo naging magkakaibigan?” Tanong ko sakanya.
“May isang babae at dalawang lalaki. Since Elementary sila eh magkakasama na sila hanggang makatungtong ng College magkakasama pa rin sila. Pati sa pagttrabaho magkakasama sila. I think wala na ata makakapaghiwalay sa samahan nila. Never nainlove ang dalawang lalaki sa nagiisang babae na kasama nila, gayon din ang nagiisang babae never siya nainlove sa dalawang lalaki. Para kase sakanila ang turingan nila sa isat isa eh magkakapatid kaya naging madali sakanila ang sitwasyon ng magkaroon sila ng mga asawa. Alam kase nila na walang naging issue sakanilang tatlo kaya naging madali sa asawa nila ang set up nilang tatlo. Hanggang sa nagkaroon sila ng anak… parang naulit nga lang ang history meron ulit nabuong tatlo isang babae at dalawang lalaki. And kami yun nila Aaron.”
“So kaya kayo naging magkakaibigan dahil ang mga magulang niyo eh magkakaibigan din?” Tanong ko sakanya.
“Yup. Ever since pinagsasama sama na kami ng mga magulang namin. And naging close kami sa isat isa. Matanda kami ng 1 year kay Ecka kaya ang turing namin ni Aaron sakanya eh little sister. Palagi namin siya inaalagaan at tinuturing na parang prinsesa.. Hanggang dumating ang isang aksidente na nagpabago ng lahat.. Naaksidente ang magulang ni Ecka at dead on arrival ‘to. 5 years old pa lang si Ecka at kami 6 years old na. Hindi alam ng magulang namin nila Aaron kung paano sasabihin kay Ecka ‘to gayong nagiisang anak lang siya.”
“So anong nangyari?” Tanong ko sakanya.
“Nung nalaman niya ‘to nagbreakdown siya at sobrang nadepressed. Hindi alam ng magulang namin kung ano ang pwedeng gawin sakanya dahil hindi niya kinakaya ang lahat. Hanggang sa napagdesisyunan ng magulang ko na kupkupin si Ecka, balak pa nga iadopt na talaga kaya lang hindi pwede dahil may pamilya pa rin naman si Ecka, so napagkasunduan na lang na kami na lang ang bubuhay kay Ecka.”
Grabe pala ang pinagdaanan niya nung bata. Napabuntong hininga si Steven bago niya pinagpatuloy ang pagkkwento niya.
“Malaking impact kay Ecka ang pagkupkup namin sakanya, unti unti siyang bumabalik sa dati. Nakakarecover na siya sa pagiging depressed niya at sumigla na ulit siya. Pero di dun natapos ang lahat. Tanda ko pa noon galing kami ni Aaron sa school 7 years old kami at 6 years old si Ecka, pagkauwi ko natagpuan na lang namin si Ecka sa sahig na nakahilata. Nung araw na yun hindi ko alam ang gagawin ko, takot na takot ako. Pero buti na lang at nandiyan si Aaron.”
“Bakit nga pala hindi sila Aaron ang kumupkop kela Ecka?” Tanong ko sakanya.
“Only child lang din kase ako, nagadopt lang sila mama kaya nagkaroon ako ng kapatid na babae. Kaya ayun kami ang kumupkop kase that time magisa lang ako, eh si Aaron kase may kapatid na talaga siya so ang parents ko na ang nagprisinta para kay Ecka.”
“Ah. Okay..”
“At ayun pagkadala namin kay Ecka sa hospital, pinauwi na kami agad ng magulang namin sa mga bahay namin. Ayaw namin umalis nun ni Aaron pero dahil bata pa kami di kami pinapayagan na magstay ng matagal. Dahil sobrang nagaalala ako kay Ecka hindi ako iniwan ni Aaron, nagstay siya sa bahay namin hanggang sa makauwi ang parents ko. Ang sabi nila okay na daw si Ecka, feeling ko natanggalan ako ng tinik sa dibdib nung araw na yun.. pero di pala talaga. After nun kinausap ako ng parents ko about kay Ecka.. May sakit pala siya sa puso at ang tanging chance lang sakanya eh ang magpaheart transplant.”
Feeling ko bumibigat na ang atmosphere habang nagkkwento si Steven, so hinawakan ko ang kamay niya para maging komportable siya sa pagkkwento..
“So nagdecide ang magulang ko na pumunta kami ng states. Onti lang kase ang magiging chance niya dito sa Pilipinas kaya nagdecide ang parents ko na doon na lang ipagpatuloy ang lahat.”
Ah. Kaya pala hindi sila pamilyar sakin ni Ecka.
“So ayun iniwan namin dito sa Pilipinas si Aaron, wala naman kami choice at alam kong nagegets na niya ang sitwasyon. Sa aming tatlo si Aaron kase ang kalmado at matured magisip. So after a year naoperahan na si Ecka, ang tagal ng proseso niya dahil di naman daw ganun kadali ang heart transplant. Inantay pa namin ang isang taon para masabing okay na ang heart transplant niya at sa awa ng diyos naging okay ‘to.”
“Kelan kayo bumalik ng Pilipinas?” Tanong ko ulit.
“Doon na namin tinapos ang Elementary, natatandaan ko pa palagi namin nakakausap si Aaron through skype at ang bukang bibig niya eh ang pangalan mo. Palagi siyang nagkkwento about sayo, natatandaan ko pa na kabado siya na aminin sayo na sobra ka niyang crush kase nga magbestfriend daw kayo.”
Napatawa na lang siya. Kaya pala palagi siya umuuwi ng maaga noon kase sila pala ang nakakausap niya, at kaya pala bigla na lang siya nagbago kase crush na pala niya ako noon.
“And then, akala namin okay na talaga ang lahat. Pero mali pala kami, naging weak ulit ang heart ni Ecka.. Di namin alam kung bakit ganun at paano nangyari yun pero kailangan siya ulit isalang sa surgery. Ang kaso di na pumayag si Ecka sa surgery na yun.. Ang sabi niya wala naman daw mababago kung ooperehan siya, manghihina at manghihina parin naman daw siya. Sobrang against ang parents ko sa desisyon nila Ecka pero sa huli pumayag na din naman sila sa hiling neto.”
Tahimik lang ako, feeling ko kailangan ko ng tumahimik.. nafefeel ko na malapit na yung sagot sa mga katanungan ko.
“At ang hiling niya, umuwi sa Pilipinas. Kaya ayun dito kami nag High School. Kaya kung makikita mo diba hindi kami pamilyar sayo.”
Okay ngayon alam ko na, kaya pala bigla na lang lumabas si Ecka nun yun pala galing sila sa ibang bansa.
“Pero alam ko na kaya gustong umuwi dito ni Ecka eh dahil kay Aaron. I know mga bata pa lang kami noon may something ng nararamdaman si Ecka para sakanya pero si Aaron hanggang little sister lang talaga ang tingin niya. Second year High school kami ng lumala ang sakit ni Ecka. Sobrang natakot ang parents ko nun dahil ayaw parin pumayag ni Ecka sa surgery. Hindi rin namin pinapaalam ‘to kay Aaron dahil ayaw ipaalam ni Ecka, ayaw daw niya sirain ang saya na nararamdaman neto dahil alam niya na sobrang blessed siya sayo.”
“Pero diba? Nakipagbreak siya sakin.. Bakit??”
“Because it’s all my fault..”
My fault???
“What are you talking about??” I ask him..
“Teka pakinggan mo muna ako, so ganito nga nangyari natago niya ng matagal kay Aaron ang sakit niya. Ako? Gustong gusto ko na sabihin para kahit papano makaramdam naman si Ecka ng saya. Hindi ko kase kayang tinotorture niya ang sarili niya. Iiyak sa gabi, maghihirap sa madaling araw dahil sa sakit niya at umaga parang pinagsukluban ng langit at lupa. Hanggang dumating sa point na sinugod namin sa hospital si Ecka. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pumunta ako kay Aaron at sinabi ang lahat pero nung araw pala na yun eh nagaway kayo because of Ecka.”
Oo yun nga, nagaway kami dahil di niya pinaalam sakin na kasama niya si Ecka sa leadership training nila..
“Hiniling ko sakanya na samahan na muna niya si Ecka hanggang pumayag to magpasurgery. Sobrang gulong gulo si Aaron at di niya alam ang gagawin niya. Pero nang magulang ko na ang humingi ng pabor sakanya eh hindi na ito nakahindi pa.”
“So kaya niya ako iniwan? Pwede naman niya sabihin sakin! Maiintindihan ko naman, ganun na lang ba talaga ako?”
“Hindi ako ang makakasagot niyan Ram pero sa pagkakaalam ko ginawa niya yun para di ka na madamay sa nararamdaman niyang sakit at hirap. Ayaw niya na habang sinisave niya ang buhay ni Ecka eh ikaw naman ang nagdudusa. Kagaya nga ng sabi ko sayo hindi ganung tao si Aaron. Mas iisipin niya nag nararamdaman ng iba kesa sa pansarili niya.”
“Ano? Tama ba? Hindi ba sa ginawa niya eh mas lalo akong nagdusa? Ang dami niyang sinira sakin…”
“Ram, sa ating dalawa mas ikaw ang makakasagot niyan. Sinabi ko lang yung alam kong pwedeng makatulong sayo pero hindi ko masasagot yang sakit na nararamdaman mo..”
Hindi ko alam pero tama ang sinabi niya..
“Hindi ko alam pero bakit ba nangyayari lahat to?”
“Sorry, it was all my fault. Kung hindi ko sana sinabi kay Aaron ang lahat at kung hindi rin sana ako humiling sakanya. Hindi ka magkakaganyan. I’m sorry dahil naging selfish ako, masyado ko lang kase mahal si Ecka noong mga panahon na yun kaya di ko kinaya na makita siya sa ganung kalagayan..”
“What.. what do you mean?”
“Yeah, tama ang naririnig mo. Back then I’m so selfish kase mahal na mahal ko si Ecka gagawin ko ang lahat para sakanya pero alam ko na never niya ako mamahalin dahil alam kong si Aaron lang talaga. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya di ko alam na nakasira na pala ako ng isang tao and that was you.. Nung una kitang nakilala alam ko na agad na sobra kang nagbuburden sa pagiwan sayo ni Aaron, pero nung mas lalo pa kitang nakilala sobra akong naguilty sa ginawa ko.. Sobrang bait mong tao Ram at di mo deserve yun. Kaya ginawa ko ang lahat para matulungan ka kase in the first place ako naman ang may dahilan kung bat ka nagkaganyan.”
Ako? Iyak lang ako ng iyak.
“So kinaibigan mo ko dahil lang sa guilty mo?”
Napabuntong hininga muna siya bago siya sumagot sa tanong ko.
“Nung una oo, dala na rin ng nangyayari sayo.. Pero habang patagal ng patagal naging totoo na para sakin ang lahat. Nung una tinutulungan kita dahil nakokonsensya ako pero sa di kalaunan lahat na pala ng ginagawa ko para sayo eh bilang isang kaibigan na pala. Lahat ng pinakita ko sayo totoo yun..”
Natahimik ako, mabait na tao din naman si Steven kahit na ganun ang ginawa niya..
“Alam mo ba, nung nakikipaghiwalay sakin si Aaron sabi niya sakin naiintindihan ko naman daw yung sitwasyon niya.. Tas alam mo ba ang sagot ko? Sabi ko oo naiintindihan ko siya, hindi naman kasalanan ang magmahal eh.”
Natawa na lang ako..
“Nung una palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang tanga tanga ko dahil sinabi ko yun pero narealized ko hindi naman pala. Kase kahit naman mahal niya o hindi niya mahal si Ecka wala paring magbabago sa fact na kapag nagmahal ka andyan na yan di mo na matatakasan..”
Alam kong masyado na akong madrama sa sitwasyon na to pero wala na akong pakealam, gusto ko na ilabas lahat bg nararamdaman ko.
“Hinayaan ko kase na masaktan ng paulit ulit ang sarili ko, hinayaan ko na masira ako dahil ang akala ko time heal all the wounds.. pero mali nanaman ako. Hindi ko alam kung ano na ba ang pinopoint ko dito pero ngayon alam ko na, hindi naman si Aaron ang may kasalanan or hindi rin naman ikaw ang may kasalanan dito.. kundi ako.”
“Don’t blame yourself Ram.”
“Eh sino? Ikaw? Ikaw na ginawa lang naman ang lahat kase alam mo na makakatulong ka. Si Aaron? Si Aaron na ang gusto lang ay maisave ang kaibigan dahil mas iniisip niya ang kapakanan ng iba? Now tell me, sino ang sisisihin ko? Diba ang sarili ko lang rin naman?”
“Ram, hindi sa ganun. Oo may mga intensyon tayo, may mga mali tayong nagagawa pero di naman ibig sabihin nun pwede na nating masisi ang mga sarili natin. Ram tao tayo nagkakamali lang din, pero di ibig sabihin nun pwede na nating sisihin ang sarili natin.”
“So ano bang pinopoint mo?”
“Pwede tayong magkamali pero dapat ang pagkakamaling yun eh di na dapat maulit. Ram, di mo ba naisip na habang sinisisi mo ang sarili mo at habang nagpapakalulong ka sa kalungkutan eh may mga nasasaktan na tao dahil ayaw ka nila makitang ganyan?”
“Sounds like bull Steven. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi mo.”
“Ayaw mo kase intindihin Ram! Di mo ba nakikita? I care for you because I like you!!”
Natigilan ako dun. Anong sinabi niya??
“What did you say?”
“Damn. I like you a lot Ram. I don’t know why but yeah. I like you..”
And then He left me..